You are viewing [info]fukmon's journal

Previous 10

Oct. 28th, 2008

drama

10 worst places for a breakup


Oct. 5th, 2008

drama

why PETS are better than KIDS

nabasa ko lang 'to this noon while buying our new pet, a chowchow(?) that was named Princess Laura de .. something.. Esteban? basta she's this lazy, Garfield-like dog. color brownish-orange pa. anyway..

why PETS are better than KIDS.
1. They eat less.
2. They don't ask for money all the time. hahaha :D
3. They are easier to train.
4. They normally come when called.
5. They never ask to drive the car.
6. They don't hangout with drug-using friends.
7. They don't smoke or drink.
8. They don't have to buy the latest fashion.
9. They don't want to wear your clothes.
10.They don't need a gazillion pesos for college.
11.And if they get pregnant, you can sell their children.

hehehe :D

Sep. 12th, 2008

drama

Trivia about me (from Rej)

<font face="comic sans ms" size="2">okeeey? nakuha ko lang ito kay rej, na sabi niya nakuha lang niya sa isang site: thesurrealist.co.uk. nakakatawa! hindi ko akalaing ako pala ay may 200 kinds!!

Ten Top Trivia Tips about Ronald Ojales!

1. It is impossible to fold Ronald Ojales more than seven times. <i>teka tatry ko. :D</i>
2. Red Ronald Ojales at night, shepherd's delight. Red Ronald Ojales at morning, shepherd's warning.
3. There are more than two hundred different kinds of Ronald Ojales! <i>wooah. i mean, WOAH!!</i>
4. If every star in the Milky Way was a grain of salt they would fill Ronald Ojales!
5. Forty percent of the world's almonds and twenty percent of the world's peanuts are used in the manufacture of Ronald Ojales. <i>gawa ako sa almonds and peanuts?? kaya siguro they can't get enough of me. mwahahahah!!</i>
6. It takes forty minutes to hard-boil Ronald Ojales! <i>sorry akala ko bastos. hahahahaha :)) </i>
7. The deepest part of Ronald Ojales is over 35,000 feet deep.
8. Humans share about fifty percent of their DNA with Ronald Ojales.
9. Pound for pound, hamburgers cost more than Ronald Ojales! <i>huhu mura lang pala ako. eh binibili kong burger 21 lang, buy 1 take 1 pa. magkano na ako???</i>
10. The Aztec Indians of Mexico believed Ronald Ojales would protect them from physical harm, and so warriors used her to decorate their battle shields. <i>teka, bakit 'HER'???</i>

hahahaha!! nakakatawa siya! di ko pa napupuntahan iyung site eh. try niyo rin, baka malaman niyong ginawan din kayo ng statue ni Michelangelo or nadiskubre kayo sa India. :D

May. 20th, 2008

drama

may summer pa ba?

finally, natapos na ang summer classes ko. kahit alam kong nakakatanga siya na may chance na mabagsak ko pa. sheeee~ kasi naman, sinu ba nagsabing kumuha ako ng minor subject ng ME sa nagmamajor na CE. hay. pero since tapos na, im just waiting for the results.

~o ~o ~o ~o

kakatapos ko lang panooring ang laban ni fuji at tezuka sa prince of tennis. sinu magaakalang may mga ganung klaseng shots at serves sa tennis. pero hehe, natuwa ako panoorin. hindi ko pa napapanood lahat ng episode, pero hahanap ako ng DVD nun, along with la corda primo passo. iyun ba iyung title? basta alam ko "stroke the golden string" 'pag trinanslate. pati girl from hell hahanap din ako. hahaha. ayoko manood sa youtube, tagal maghintay eh. :D

~o ~o ~o ~o

sa ngayun isa na lang talaga iyung super inaabangan ko. iyung matatawag kong highlight ng aking mini-summer vacation. hehehehe. within a week pupunta na kaming batangas. woohoo!! so exciting! kahit wala pa akong susuoting damit!

Apr. 27th, 2008

drama

Ron is a ..

wala lang. wala kasi ako magawa tonight kaya naisip kong gumawa ng kung anu-ano. naalala ko iyung mga blog tungkol sa search sa google. iyung akin iyung "Ron likes to..", so naisip ko baka meron namang "Ron is a..". at meron nga. hahahaha! walang lumalabas na maayos kapag nilalagay ko lang "Ron is a" without quotation marks, so dapat ata meron. kasi hindi iyung phrase iyung nasesearch niya eh. so ito iyung top10 results. wala lang. dala talaga ng boredom. at nalaman ko tuloy kung ano ako. :D

1. In his spare time, Ron is a competitive sailor.
paano ba nagiging competitive ang sailor? kapag kunwari nakikipagbanggaan siya sa ibang barko? sana nga talaga meron akong boat.

2. Ron is a veteran journalist who has turned in more than 300 assignments for dozens of trade magazines.
hina ko nga sa english magiging VETERAN JOURNALIST pa ako. at akalain mo iyun, nakagawa na pala ako ng articles sa magazines. uhh, anu iyung trade magazines?

3. RON is a heterodimeric tyrosine kinase receptor activated by the HGF homologue MSP.
so part ako ng katawan? :]

4. Ron is a professional business mediator and arbitrator, specializing in real property and construction cases.
ano ba talaga ako? sailor? journalist? o mediator / arbitrator?

5. Recepteur d'Origine Nantais (RON) is a distinct receptor tyrosine kinase in the c-met proto-oncogene family.
iyan ang gusto ko itawag niyo sa akin. recepteur d'origine nantais. hahaha.

6. Ron is a director and near-founder.
ngayun naman isa akong director.

7. Captain Ron is a 1992 film starring Martin Short and Kurt Russell.
at isa rin akong film!! akalain mu iyun!

8. And, even though Ron is a chauvinist, Ferrell brings out his likeability.
chauvinism n. 1.zealous and aggressive patriotism or blind enthusiasm for military glory. 2.biased devotion to any group, attitude, or cause.

9. I have NEVER seen anything like it and Ron is a hyper-talented person.
aww thank you. hehehe. :D

10. RON is a measure of a fuel's compression performance and the RON rating given translates into the amount of engine power.
huh? isa akong unit of measurement? ah i see. ang meaning pala ng pangalan ko is Research Octane Number.

gusto niyo rin itry? hehe. type niyo lang sa google.com "<your name> is a" with the quotation marks. kasi hindi gagana kapag walang quotation marks. :D

Mar. 11th, 2008

drama

mar11, 2008 : minsan lang ako nagkakasugat

well oo naman. kung lagi ako nagkakasugat kawawa naman ako, malamang matagal na akong deds sa kakulangan ng dugo. sa payat kong ito may dugo pa palang dumadaloy sa mga ugat ko. kung sa bagay, kitang kita nga naman iyung ugat ko sa kamay. ayan o anlaki.

~o ~o ~o

pero mula nung mag'teen' ako, talagang bihira na ako magkasugat. nung bata pa ako lampa ako. haha. nakakatawa. pero lampa talaga ako. may time pa nga na sa kalampahan ko ay nadapa ako at nagkasugat ako sa gilid ng mata ko. as in sa gitna ng mata at patilya ko may malaking sugat ako. nadapa ako nun sa garahe namin some long long time ago. tapos madalas pa ako magkasugat sa tuhod. mahilig kasi ako tumakbo nun, at super gusto ko iyung mabilis tumakbo, pero dahil sa kapayatan ko, nasosobrahan at hindi kinakaya ng tuhog ko kaya ayun. kadabumbadumbum...

~o ~o ~o

sa ngayon hindi na ako nasusugatan at nababawasan ng dugo. nasusugatan na lang ako at nababawasan ang pagkatao. haha. lalim dude. pero feeling ko ganun. maraming bagay na ang nagdaan sa buhay ko at sa mga pangyayaring iyun, feeling ko ang natitira na lang sa pagkatao ko is less than half nang simulan ko ang journey na ito. imbes na dugo iyung nawawala.

pero buti na lang may mga tao pa rin sa palibot ko na tumutulong mapanatili iyung half na 'ron' na iyun. hindi ko alam kung nadadagdagan ba nila, pero at least may natitira pa rin. kesa naman wala. sana lang hindi sila mawala.

ayoko lang magisa.

ayoko lang maubos iyung half na iyun.

Feb. 29th, 2008

drama

i love the cupcakes .. ü

you're so sweet.. i love you.. :'>

drama

just remember

that the word STRESSED is just DESSERTS spelled backwards.

so kung stressed kayu, it just means na time na para bigyan ang sarili niyo ng dessert. no, hindi naman kailangan na kumain kayo ng something sweet eh. tataba ka kapag masyado ka natuwa sa pagbigay sa sarili mo ng dessert. o kaya naman baka sumakit lang ngipin mo, dagdag stress pa iyan. pwede na ang isang roll na cake, iyung chocolate. :D

o kaya pumunta ka sa relaxing place. magspa ka kung mayaman ka. o kaya sa beach, masaya dun! pero kung wala kang pera, pwede ka rin namang magstroll na lang sa malapit na park. andiyan naman ang quezon memorial circle, may wildlife, may luneta, o kaya sa paligid lang ng sunken garden pampatanggal na ng stress, basta huwag mo isipin na kailangan mo pumasok sa isa sa mga building na makikita mo. o kaya matulog ka, the best stress reliever.

basta if you feel a little stressed, treat yourself naman. hindi naman kailangang magastos, pero it's just a simple way of your body telling you that it needs a break naman. :p

Feb. 14th, 2008

drama

february 14, 2008 : i hate this feeling

longingness. according to dictionary.com, it is a strong, persistent desire or craving especially for something unattainable or distant. according to me, it is what i'm feeling right now.
i miss that feeling. when you feel like you're being treated special. wala lang. that sort of feeling na parang gagawin ng isang tao lahat para lang sa'yo. hehe. i just missed that.

~o ~o ~o

kaya pala sa bawat sulok ng quezon city at maynila na napuntahan ko ngayun may mga nakikita akong mga lalakeng may hawak na either rose, balloon, chocolate, or combination ng kahit anu sa kanila. may mga instances na nalilimutan kong valentines ngayun. haha.
sa bawat way na matingnan ng mata ko ay may nakikita akong couples and couplets. at may nakita pa nga akong matandang couple na sweet pa rin. nakahawak si lolo sa waist ni lola habang sila ay patawid sa kalye. saan ka pa. sweetness knows no age. :D

~o ~o ~o

kahit nasa tapat na ako ng engineering naririnig ko pa rin iyung beat ng drums. nagLRT nalang ako galing recto, dahil pagtingin ko sa way na sasakyan ko ay sooooooooooooooobrang traffic. so ayun, nagkatipunan ako at dumaan sa UP. at may nakita akong chubibo. napaisip tuloy ako. may chubibo ba sa UP fair last year? at nagulat ako nang may nagpapractice ng .. iyung stick na bamboo .. basta iyun, sa may kadiliman ng lagoon. ooor.. iba pinagpapractisan nila. nagpractice lang sila nun kasi dumaan ako. hahahaha. tsktsk. at ang ingay pa rin ng drumbeat kahit nasa CMC na ako.

~o ~o ~o

at dahil wala pa akong CPU sa bahay, sa netshop ako ngayon. wala lang. antagal naman kasi papareformat lang!

Jan. 31st, 2008

drama

january 31, 2008 : palibhasa bobo ka kaya napapahiya ako kapag kasama kita

ang funny ng line. haha. kung nanonood ka ng coffee prince eh dun ko siya narinig. hindi ako nanonood ha! nagkataon lang na iyun iyung palabas nung ginamit ng tatay ko itong computer. eh wala ako mapanood. natatawa ako. masasabihan kaya ako niyan?? haha. :D

bukas ay february na. buwan na ng mga puso. haha. buwan ng mga mushy-mushy-han. in short, tataas nanaman ang presyo ng mga bulaklak sa dangwa. ang 100 per bouquet ay nagiging 100 per flower. at may magagandang movies rin para dalhin ang inyong sinisinta. balita ko showing na ang 27 dresses, tapos darating rin ang good luck chuck. kung feel niyo naman si richard at marian eh andyan ang my bestfriend's girlfriend. o kaya para tipid, bili na lang kayu DVD. tapus sa bahay kayo manood. mas okey ata dun sa bahay. basta sa sala manonood ha, huwag sa kwarto. haha. XD

malapit na matapos ang first month ng taon. actually ilang minutes na lang nga eh. nagawa niyo na ba ang dapat eh first rituals niyo? nabuo niyo na ba ang new year's resolution niyo? lagi kasi sinasabi ng tatay ko sa'min tuwing papasok ang bagong taon eh kung ano ginawa mo nung first day ng bawat taon eh iyun iyung gagawin mo buong taon. kaya lagi niya kami pinapagbasa, ayaw niya gumastos kami, etc. effective nga ba.. :p

ilang araw na na feeling ko may sakit ako. haha. minsan tuwing gabi bigla na lang akong nilalamig. sobrang nanginginig ako at para akong nakayakap sa yelo. kahit na kunin at isuot ko iyung jacket sa'kin eh malamig pa rin. lately rin nagkakaroon ako ng migraine. (i think. iyun iyung masakit iyung ulo di ba? hehe. o maarte lang ako at iyun ang tawag ko dun.ü) muntik ko na ngang hindi kayanin iyung machine shop namin kanina. pero buti kinaya ko ang 4hours ng pagmamakina. siguro dahil lang 'to sa sipon. oo tama. sinisipon ako at inuubo ngayun.

first time namin makapagkalas ng lathe machine - iyung ginagamit para gumawa ng metal workpieces. basta makina siyang malaki. at kanina kailangan baguhin iyung speed ratio ng mga gears para magawa namin ng tama iyung pagthread sa isang turnilyo. kaya ayun, binuksan namin siya, kinalas iyung mga gear at inayos sila. nagkulay black ang mga kamay namin. lalo na si carillo, mahaba pa kuko niya. at kulay black na rin. bakit ba kasi kulay black ang mga grasa? hindi ba pwede gawing blue? o white man lang? o kaya brown para kakulay ng balat? o_o

Previous 10