animé top10 ko
i'm quite sure na marami sa inyo na-hook at a time sa animé. siguro kahit hanggang ngayong hindi na sila bata ay nanonood pa rin ng mga animé toons. hindi lang maganda iyung pagkakadrowing sa kanila, kapansinpansin din ang makikinang na mata nila. iyun lang naman ata ang nagpapaiba sa animé sa hollywood cartoons eh. karamihan sa mga animé, makukulay at malalaki iyung mga mata, habang karamihan ng hollywood eh black lang ang mata.
ako rin, nahook din ako sa animé madness. dati. kasi noon madalas ako manood ng t.v. wala naman kasi ako alam na ibang libangan dati kundi t.v., kaya ayun. hanggang ngayon pa rin naman trip ko pa rin iyung animé, pero hindi na gaya dati na halos maadik ako.
ngayong hindi na ako gaano nahohook sa animé dahil medyo busy-busyhan na ako, trip ko lang alalahanin iyung mga personalities na natripan ko sa mundo ng Japanese cartoon. kaya heto ang aking top10 animé peeps. hehe.
| 1. REI AYANAMI evangelion eto ang pinaka sa mga kinaaadikan kong animé character! pero hindi dahil sa sexy siya, maganda, matalino. wala lang. hindi ko nga rin alam kung bakit siya ang number 1 sa top10 countdown eh. hehe. pero kasi eto iyung dating pinakagusto kong animé character. maraming nakakaalam nun! uhm.. ewan ko. marami nga ba? hehe. nalala ko dati may mga pin ako ni Rei. kaso nawala na silang lahat. meron din akong mga abubot ni Rei dun sa lumang PC namin, kaso nasira na iyung harddisk so i guess it's gone forever na rin. aww sad. nawala iyung mga wallpapers ko, pictures, WinAmp skin at 2 cute programs na pang-desktop. parang may Rei lang na makikita habang nagttype ka sa Word o naglalaro ka ng Solitaire. thanks sa ayanami.nu (na down na iyung server so wala na ata) at sa animewallpapers.com! | |
| 2. SQUIRTLE pokémon wow! okey sige na. hindi tao itong pagong na ito. pero nahirapan kaya ako kung sino ba dapat ang number 1. matinding contender din ang isang ito eh. siya lang naman ang pinakacuuuuuute na pokémon sa lahat ng pokémon! walang kokontra! i don't care about pikachu or clefairy or chikorita or mudkip or torchic. mas cute pa rin si squirtle! kahit anung sabihin niyo. hindi magbabago ang isip ko. nagtataka pa ba kayo kung bakit siya ang number 2?? kahit pa ba garalgal ang boses niya eh it made up for its cute, round, blue head. oh, and one thing. blue is my favorite color nga pala. hehe. kaya din siguro number 1 character eh blue-colored hair. wala akong halos abubot ni squirtle eh. maliban sa dati siyang pic dito sa blog na ito. na pinalitan ko na rin naman. hehe. naghahanap ako ng stuff toy niya eh, kaso pinagtataksilan ako ng mga toy stores at sinasabing "walang pokémon dito, disney at looney toons lang" habang may nakikita akong Spongebob na obviously ay sa Nickelodeon, at hindi Disney o Looney. | |
| 3. HYUGA NEJI naruto ang pinakacool na bata sa angkan ng mga Hyuga, si Neji! kaya siya ang number 3. idol ko ang kanyang biyakugan (sana tama mga spelling ko) at ang.. ilang hits niya? 64? ah basta. kung magkakaroon din ako ng biyakugan, mababasa ko lahat ng iniisip ng mga tao at malalaman ko kung ano sunod nilang gagawin. hmm. helpful sa daily activities! malalaman ko na kung ano iyung iniisip ng mga prof at kung kailan iyung magiging next surprise quiz. hahaha! tinry kong tumingin ng keychain na Neji at poster, but to no avail. ampapanget nung mga hitsura ni Neji, at walang poster eh. | |
| 4. SOUIJIRO SETA samurai x kung gusto niyo maging assassin, dapat si Souijiro ang tularan. hehe. pero malamang ayaw niyo. siya ang number 4 dahil astig iyung takatak ng sapatos niya kapag umaatake siya. at ang kanyang mala-the Flash na bilis almost got Hemura killed. mas magaling nga si Hemura, pero si Souijiro pa rin! hahaha! para din siyang bata. nakangiti kapag nakikipaglaban. parang wala lang sa kanya. siguro parehas kami. hindi naman sa pumapatay ako no! pero iyung tipong kahit sa harap ng mabibigat na problema nakangiti lang ako na pinapakitang "sus, wala lang iyan", at pinipilit kayanin. haha! drama! isa lang abubot ko kay Souijiro eh. iyung nagiisang wallpaper ko dun sa lumang PC. na nasira nga. | |
| 5. HIEI yu yu hakusho matakot kayo sa Black Dragon Spirit technique nitong si.. Vincent na lang just like everybody else knows him. hehe. pero hindi naman talaga Vincent pangalan niya 'di ba? ayan, parang HIEI. hindi ko alam. siya ang number 5 dahil matagal na panahon na mula nung natripan ko ito. pero siya pa rin ang evil-type of hero na gusto ko. isang halimaw na may third eye na super laki, at nagbabago din siya para maging halimaw na maraming mata! creepy.. marami akong cards nitong ghostfighter na ito. dati, nung uso pa iyung cards na malalaki at maliliit, meron akong card booklet para lagyan ng mga cards. kapag si.. siya iyung andun, kinukuha ko. kapag iyung iba, like sila Kuwabara or Alfred, eh binibihay ko sa kapatid ko. gusto naman niya. | |
| 6. SHUN UKIYA gatekeepers si Ukiya ang captain ng grupong binuo ng Aegis, iyung organization na tumitipon sa mga gatekeepers. kasama ang kalove-team niyang si Ruriko at iba pa, si Ukiya ang tumatalo sa mga masasamang loob na nagiging taong robot na mukang man-in-black. gamit ang kanyang Vacuum missile at espadang kahoy, tinatalo niya ang mga ito! cool 'di ba? kaya siya ang number 6! nakakatakot lang kasi anlalaki ng mga mata nila. wallpapers lang ang nagpapaalala sa akin ng animé series na ito. dahil mula nung nawala sa AXN iyung series, hindi ko na siya napapanood. pero since nawala na nga iyung wallpapers sa lumang PC namin, wala na rin sila. | |
| 7. MAKOTO MIZUHARA el hazard dahil dito kay Makoto ako nagkaroon uli ng inspiration para magdrawing. sa totoo lang, nung nanonood ako ng El Hazard sa AXN noon eh hindi na ako masyado nagdodrawing. nawalan lang ako ng parang inspiration. hindi ko alam kung ano iguguhit ko kapag may papel at ballpen sa harap ko. pero nung nakita ko iyung ending ng El Hazard at mga scenes nila nung goddess na kalove-team niya, nabuhayan ako (hindi x-rated iyun ha). napadrawing ako ng sarili kong "sweet love scenes". iyung tipong magkaakbay iyung couple habang nakatingin sa sunset, nakaupo iyung boy habang nakasandal sa likod niya iyung girl (familiar??), tulog iyung girl sa balikat nung boy (mas familiar??). hehe. kaya siya ang number 6, dahil sa kanya nakagawa ako ng comics uli. hindi ata nauso ang El Hazard kaya halos walang mabibili na kahit anong something sa series na ito eh. except malamang sa mga soundtrack CDs and VCDs. | |
| 8. EDWARD ELRIC full metal alchemist gamit ang kanyang steel arm at magic.. poof! nakakagawa si Edward ng something made sa bakal. he's an alchemist after all. ay, tama ba? hehe. hindi naman kasi ako nakakanood ng bawat episode ng Full Metal Alchemist, kaya wala akong alam sa buong istorya niya. ginawa kong pang-number 8 si Edward dahil astig ang kanyang "powers" na gumawa ng bagay out of steel. gusto kong bumili nung necklace tapos pendant niya eh iyung cross na nakatatak sa kapatid ni Edward, kaso naisip ko na anlaki pala niya para suotin lang as casual. parang pang-funky peeps eh. hehe. | |
| 9. ONIZUKA gto kung lahat ng prof ay kagaya ni Onizuka, hindi na ako tatamaring pumasok! siya ang coolest prof, kung hindi lang siya animé. at least naman mas makatotohanan siya ng unti kesa kay Sir Nube. kilala niyo iyan? siya iyung teacher na may demon left hand na tinatago niya sa isang black gloves kasi nga demon talaga hitsura. pero kaya number 9 si Onizuka dahil prof pa rin siya. so he will be giving grades. hehe. pero he's the coolest still! nagbibigay siya ng kakaibang lecture sa mga students niya and all. sino ba naman hindi matutuwang maging under sa schedule niya. kung meron lang t-shirt na nakalagay "i wish my prof is like Onizuka" eh bibilhin ko iyon. | |
| 10. KYO fruits basket maybe the reason kung bakit ako tinatawag ni Ceo na kyo at hindi kuya. siya ang last but not the least, dahil sa kacute-an niya kapag siya ay nagiging.. pusa? honga. kapag nahuhug siya ng babaeng crush niya ay nagiging animal siya just like everyone else in the family. at least hindi siya nagiging tiger cub or black-colored pig. gusto ko bumili nung stuff toy na pusa! |
hehehe
Re: HI RON
tara magtrade tayo ng pokémon! ika nga ni professor Oak, "you can get more by trading pokémon".. hehe. meron ka ba jang sapphire o ruby? ü